Sunday, November 7, 2010

para kanino ka bumabangon?

ako?

bumabangon ako dahil may misyon pa akong dapat tuparin na ipinagkaloob ng Diyos. bumabangon ako dahil may mga tao ring bumabangon para sa akin. bumabangon ako para pamilya ko dahil sila lamang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay; sila ang aking buhay. sino na ang magtitimpla ng kape ni papa kung wala ako? sino na ang magta-type ng mga papeles at liham ni mama kung wala ako? at sino na ang mang-aasar at mangingiliti sa kapatid ko kung ako'y wala na? nakakatawa. simple lng pero makahulugan. at sa panghuli, bumabangon rin ako dahil may kailangan akong patunayan, hindi sa ibang tao, kundi sa sarili ko.

eh ikaw, para kanino ka bumabangon?

1 comment:

  1. bumabangon ako para sa inyo
    (sobrang cheeeeeeseeeeee! hahaha)

    ReplyDelete